Amnesty 2012 Advisory 2

Karagdagang Impormasyon sa mga Nagnanais kumuha ng Amnesty (alinsunod sa mga bagong nakalap na datos at mga katanungang tinanggap)

  1. Ang mga may absconding case ay kasama sa programang amnesty. Walang kinalaman kung bago o matagal ng absconding.
  2. Kung may ibang kompanya na magbibigay ng visa, kinakailangang bayaran ang lahat ng penalty bago makakuha ng bagong visa.
  3. Ang mga bata (mga anak) na may maayos na Birth Certificates ay maaari ng i-apply ng amnesty.
  4. Ang mga bata (mga anak) na walang maayos na dokumento tulad ng Birth Certificate ay dadaan sa imbestigasyon.
  5. Ang mga tickets ay kailangang patungo sa Pilipinas bilang destination country at hindi sa ibang destinasyon.
  6. Sa Dubai Al Aweer, Linggo hanggang Miyerkules (Sun-Wed) 8am-8pm ang opisina. Ito ay para lamang sa mga lalaki (males) na nag-a-apply ng amnesty. Ang mga babae (females) naman ay sa araw lamang ng Huwebes (Thursday), 8am-8pm.
  7. Kung maayos ang mga papeles at walang criminal case/ police case/ or court case, ang out pass ay makukuha rin sa araw mismo kung kelan nag-apply nito.
  8. Kapag nakakuha na ng out pass, magpalipas muna ng sampung araw (1o days) bago umalis ngunit hindi dapat lalampas sa expiration date ng nasabing out pass. Huwag subuking umalis kung hindi pa lumipas ang sampung araw at maaaring pigilan sa airport. Halimbawa, kung 11 December nakuha ang out pass, maaari ng umalis mula 22 December ngunit hindi maaari mula 12-21 ng December.

 

Unang Amnesty Advisory

121 comments


  • makakabalik ba sa dubai ang isang run away kung may magbibigay ng visa sa kanya at nakauwi na din sya ng pilipinas?

    December 11, 2012
    • Hindi nyo po malalaman kung hindi nyo susubukan. Ang Dubai Immigration lamang po ang makakasagot ng inyong tanong.

      December 12, 2012
    • kreng

      pwede po ba na magpabook na agad ng ticket o kukuha muna ng outpass bago magpabook?
      *my bayad po ba ang outpass at ilang days po ang pag process?
      *authomatic po ba na tatakbo ang 10 days pagkakuha mo ng outpass?

      salamat po.

      January 5, 2013
      • Kumuha po muna ng outpass bago bumili ng tiket. Yun pong ibang tanong ay higit na masasagot ng Immidration Office.

        January 7, 2013
  • kung sakali po bng sumurrender ako s amnesty may pagkakataon pb n mkblik ulit ako dito pra mkpgtrabaho ng legal?inaasahan kp po ang mbilis n kasagutan n maipadala s email ko,maraming salmat…….

    December 11, 2012
    • Maaari po ngunit ang Dubai Immigration authorities lamang ang makakasagot ng inyong tanong.

      December 12, 2012
  • heaven

    lost passport po ang sa akin and overstaying na rin.pero pano po makakakuha ng police report bago ang outpass?hindi po ba i aarrest ng police kapag kumuha ngpolice report?

    December 12, 2012
    • Maaari po kayong mag-apply ng Travel Document.

      December 16, 2012
  • Delfin San Diego

    Paano po ang gagawin kung walang birth cert., passport at syempre visa ang isang bata (age 1 and 6 mos. old) at gusto mag avail ng amnesty ano po ang mga dapat gawin?
    Legal na kasal ang mga magulang dito sa dubai consulate pero wala din mga visa.

    December 12, 2012
    • Ang buong pamilya po ay kailangang magtungo sa Immigration Office at mag avail ng amnesty.

      December 16, 2012
  • richard

    ask ko lng po kc yng mother kinasuhan po cya ng al ain immigration ng absconding ksi hindi n tapos ng kanyang sponsor yng processing ng kanyang residence visa. papaano po kya yun? mag iisang taon n yun eh! servant visa po yng hawak nyang employment visa. salamat po.

    December 12, 2012
    • Pinakamaganda po ay magtungo sa Immigtration Office upang malaman ang status sa ngayon at maka avail ng amnesty.

      December 16, 2012
  • imelda aguillo

    Gud pm, may company visa n po me kaso mo ang laki ng fine ko kc yung previous employer ko d ako gnwan ng visa at iqama, d kya ng company kc sobra laki f uuwi po ba me mmkkbalik po ba me gamit yung company visa, ano po ba ppinakmaganda move plz po advise u nman me plzzz poa p

    December 13, 2012
    • Pinaka maganda po ay mabayaran ninyo ang inyong penalty, wala pong ibang paraan.

      December 16, 2012
  • Catherine

    Pano po ang gagawin ko eh nawala po ng employer ko ung passport po tpos expired pa ano po ba ang proseso na pwede kong gawin na dapata makaabot sa amnesty sana po ay masagot po ang aking katanungan ng maaga.patulong naman po maraming salamat

    December 15, 2012
    • Ang una pong hakbang ay magtungo po kayo sa Immigration Office. Sasabihin po nila kung ano ang mga susunod na dapat gawin.

      December 16, 2012
  • Catherine

    Ano po ba ang dapat gawin Kung nawala ng employer YONG passport at itoy expired na..pupunta po ako Sa amnesty na para itoy maisaayos my absconding case po ako.please patulong naman po.hintayin ko ang mabilis nyong pagtugon Sa aking katanungan

    December 15, 2012
    • Ang una pong hakbang ay magtungo po kayo sa Immigration Office. Sasabihin po nila kung ano ang mga susunod na steps.

      December 16, 2012
  • yun pong bata na iniwan ng magulang sa kapatid ng ama, maari po bang maiuwi yun bata sa Pilipinas?

    December 15, 2012
    • Kailangan po ninyong dalahin ang bata sa Immigration Office at ang kanyang mga papeles.

      December 16, 2012
    • thar

      kabayan pareho po tayo ng katanungan,meron din kasi kaming bata naiwan ng nanay niya,pede po bang malaman kung anong binigay sa inyong instruction ng immigration,kasi po ung sa amin pinapupunta kami sa court.pls.reply

      December 17, 2012
  • jane bascones gatdula

    gusto ko lang po malaman kung ano kasunod pag may offer letter na from a company?.kailan po malalaman kung magkano penalty? at kung makapagbayad po ako ng penalty kailangan pa po ba mag exit?

    December 16, 2012
    • Immigration Office po ang makakasagot ng tama sa inyong mga tanong.

      December 16, 2012
  • maribel magno fajardo

    nakakuha n po ako ng out pass validity date from dec.12,2012 to jan 07,2013 pede po b ko umuwi ng before jan 7, ganun po b un? pakisagot po pls…

    December 16, 2012
    • Kailangan nyo pong umuwi bago ang 7 January 2013 pero 10 days after 12 December.

      December 16, 2012
  • Grace

    Pumunta po ako personally sa Phil Consulate, hawak ko na po passport ko na valid ngunit paso na po ang visa ko at hindi pa nakakacela. May magbibigay po sa akin ng visa subalit di po kayang bayaran ang penalty ko. ano po ang dapat gawin? maramaing salamat po

    December 16, 2012
    • Kailangang pong bayaran ang penalty kung nais na magkaroon ng valid na visa at makapag trabaho dito sa UAE. Yun lang po ang paraan. Kung hindi po ito magagawa, mag avail na po ng amnesty ng makauwi na sa Pilipinas habang waived pa ang penalty sa mga gustong umuwi.

      December 16, 2012
  • thar

    ano po ba ang gagawin sa isang 2years old na bata,naiwan po siya ng kanyang mother na absconding po.nakauwi po ito nung ramadan amnesty.pwede po ba mag avail ang bata ng amnesty.hinihintay po siya ng nanay niya sa pinas.ano po ba ang maipapayo ninyo.

    December 16, 2012
    • Immigration Office po ang makakasagot ng husto sa inyong mga tanong.

      December 17, 2012
  • Lili

    Hanggang kelan po ba ang amnnesty

    December 16, 2012
    • 3 February 2013. Nakalagay po yun sa aming unang advisory.

      December 17, 2012
  • ano po ang mangyayari sa bata na iniwan ng magulang sa kapatid ng ama? lalabas po ba na abandoned child kahit nasa kapatid ng ama yun bata?maiuuwi po ba yun bata sa pilipinas?

    December 16, 2012
  • july

    Kailangan po ba may ready ng ticket booking kapag kumuha po ng outpass sa consulate?

    December 16, 2012
    • Maghanda lamang po ng pambili ng tiket, o kung may tiket na, para sa pagpapa rebook nito. Ang outpass po ay sa Dubai Immigration kinukuha.

      December 17, 2012
  • milly

    Good morning po! May I know po gaano po ba katagal ang validity ng outpass? Kasi po, i’m trying to book the cheapest ticket, baka po expired na pala outpass on the date im planning to leave. Kindly advise me. Thank you po!

    December 17, 2012
    • Nakalagay po sa outpass na ibibigay sa inyo ang validity nito. Maghanda po lamang ng pambili ng tiket para sigurado.

      December 17, 2012
  • maribel magno fajardo

    wla p po ako pmbili ng tiket mahal po kc ngaun dec. validity po ng out pass ko ay dec 23 until jan 7 2013…ok lng po b n makauwi ako ng jan 2 ganun po b un?

    December 17, 2012
    • Kailangan nyo po umuwi bago ang January 7

      December 17, 2012
  • tanong ko lang po yun passport ko ay expired na pero naextend na po sa philippine embassy sa abu dhabi pero ang visa ko ay sa dubai.wala po bang magiging problema sa pagkuha ko ng outpass?pinababalik po kasi ako ng immigration sa december 20.salamat po

    December 17, 2012
  • shereen

    ask ko lang po ung case ko. nacancel npo ako sa dati kong work nagapply aq sa isang emarati ng kelangan ko ng mgexit sabi nya no need ndaw,mg 6 months n ng hkinukulit ko n sa visa q, ndi nya ndaw aq ako mavisahan ndi ndin nya ako pinapasahod every month. pwede p po b ako umalis sa kanya? pano po ung penalty ko?

    December 17, 2012
    • Mangyari pong umalis na kayo, di na nga kayo binigyan ng visa at pinapasahod. Magtungo po kayo sa Al Aweer at mag avail ng amnesty.

      December 18, 2012
  • alex

    good morning po!!! kapag po absconding case po at may ready na tiket pwede deretso na po sa Al Aweer para po makakuha ng outpass or pupunta po muna sa consulate?

    maraming salamat po!!!

    December 17, 2012
    • Maaari po kayong dumiretso na sa Al Aweer kung ang Passport/ Travel Document ninyo ay valid pa. Kung hindi naman, mangyaring dumaan muna sa Consulate General para maayos ito.

      December 18, 2012
  • ano po ang mangyayari sa bata na iniwan ng magulang sa kapatid ng ama? lalabas po ba na abandoned child kahit nasa kapatid ng ama yun bata?maiuuwi po ba yun bata sa pilipinas?

    December 18, 2012
  • thar

    mayroon pa po bang ibang amnesty maliban dito,kasi ung dating amnesty kung gusto mong iuwi ang bata pede wala ng tanong tanong pag nag apply ka sa embassy ng amnesty bigyan ka kaagad ng outpass hindi na pinapupunta sa immigration.kasi ung kaibigan namin naiuwi niya ang dalawang adopted niya.

    December 18, 2012
    • Wala pong ibang opisyal na amnesty maliban dito.

      December 18, 2012
  • Anthony

    Ang exit permit ko po na galing al aweer immigration ay Dated: Dec.12 hanggang kailan po valid ito, arabic po ang nkasulat sa papel., salamat po..

    December 18, 2012
    • Sana po tinanong ninyo doon sa Al Aweer. Kung gusto po ninyo, dumaan po kayo sa Consulate General para makita natin. Para makasiguro, after 10 days po dapat ay makaalis na kayo.

      December 18, 2012
  • xiy

    good evening po ulit.makaka avail pa po ba ako ng amnesty kung ang passport ko ay mageexpire na sa may2013?

    December 18, 2012
    • Opo. Kailangang i-extend po lamang ang validity nito kung nakakuha na kayo ng outpass.

      December 19, 2012
  • barbie

    Ask ko lng po ksi d kna po tlga kya ung trabhi ko wla po phinga cmula paggsing hanggang gvi blak ko po tumkas sa amo ko mkka pwede po ba un omunta ako consulate at kumuha nang amnesty ksi po wla po ako pmsahe ung amo ko ksi nagpapadala sa pinas any advice po plsss need ko po tulong nyo asap thanks

    December 18, 2012
    • Makipag-ugnayan po kayo sa ating Labor Office. MAIN TRUNK LINE NUMBER: +971 4 2207011, HOTLINE NUMBER: +971 056 2732611

      December 19, 2012
  • cherry

    itanong ko lng po kung san po kunin ang passport ko, nasa sharjah visa po ako nun.. absconding npo ako..

    December 19, 2012
    • Maaari po kayong pumunta sa Immigration Office tungkol sa inyong Pasaporte.

      December 19, 2012
  • good morning po.need pa bang i-extend muna ang passport before mag-vail ng amnesty?May 2013 po expiration ng passport ko.magkno po?ty

    December 19, 2012
    • Kapag less than 6 months na po ang passport, hindi na po ito magagamit. Maaari pong dumaan muna sa Consulate General para maisaayos ang inyong Travel papers.

      December 20, 2012
  • melody

    May tanong lng po yong kaibigan ko po overstay na visit visa
    may utang po sya sa credit card makukulong po a sya kung aaaply sya ng amnesty? or kung may vivisa sa kanya possible po ba at wala ng fine kasi amnesty?

    December 19, 2012
    • Ang utang po sa bangko ay hindi sakop ng amnesty. Kailangan po itong bayaran. Kung may magbibigay naman ng malinis na employment visa, kailangang bayaran ng buo ang fine.

      December 20, 2012
  • barbie

    Totoo po ba libri pmsahe sa mga kkuha .ang amnesty

    December 19, 2012
    • Kailangan ninyo pong maghanda ng pambili ng inyong tiket pauwi.

      December 20, 2012
  • brixyhang

    maam pano po kung ung pasport ko ay ayaw ibigay ng amo ko na hindi naman gumastos sa akin para magwork sa kanila..hindi naman nila inaasikaso about pagvisa sa kin…..my magiging kaso ba sila pag hindi ibinigay ang pasport kasi gustong gusto ko mag avail n ng amnesty para makauwi n din

    December 19, 2012
    • Magtungo po kayo sa Immigration Office at mag avail ng amnesty. Sila po ang bahala sa passport ninyo.

      December 20, 2012
  • besbes

    ask ko lng po kc tumukas po ako s amo ko kc di ko na kya ugali nia tpos po nalamn ko s kasamahn ko na kinasuhan po ako ng amo ko na kinuha ko po yung camera two mnths ago n po nwla yung camera di ko nmn po kinuha yung camera at ang buong bhay po nla ay may cctv camera!

    December 19, 2012
    • Maaari po kayong magtungo agad agad sa ating Labor Office sa Al Qusais.

      December 20, 2012
  • thar

    tanong ko lang po abscond po ako at may isa akong anak pede po ba kaming mag avail ng amnesty kasi may pambili na po kami ng ticket.

    December 22, 2012
    • Opo, makabubuting may avail po kayo ng amnesty. Hahanapan din po ng papeles ang inyong anak. Makabubuting ihanda rin po ang mga ito.

      December 22, 2012
  • arnel

    good pm po, ask ko lang, nagpalit ng name yung company namin ngunit ang visa ay continue pa rin, ang nakaregistered sa residence visa ko sa passport ay ang former name. Hindi ba ito problema kung akoy lalabas sa airport? Salamat po.

    December 22, 2012
  • kabayan

    Tanong ko lang po. Yon pong anak ng kapatid ko ay dito na pinanganak, legally married yong mag asawa and may legal papers. Meron din po birth certificate yong bata fully attested by Min of Health and Min of Foreign Affairs. Is there a way na ma waive ung penalty ng bata or at least maka kuha ng discount kasi they will be applying for the visa nung bata once lumabas yong passport nung bata by early next year?( 4 yrs na walang visa yong bata) Salamat po.

    December 22, 2012
    • Dubai authorities po ang makakasagot ng inyong tanong kung papayag silang ma waived o mabawasan ang penalties. Kung mag avail po ng amnesty at iuuwi sa Pilipinas, maaari pong ma waived. Kung hindi naman iuuwi, kailangang bayaran ang penalties. Kung magkano, sila lamang po ang makasasagot.

      December 24, 2012
  • jane

    pwde po b mgtnong regarding s multa panu po mabawasan un multa if npakalaki.any chances n mabawasan po ba.may mg vivisa sakin ang problema ko po yon multa ko panu ko po mabayran f npkalaki.nrinig ko po sa iba ipa ammendt sa anong praan po un amentment s dubai court.at mabawasan un multa

    December 22, 2012
    • Ang Immigration Office po ang makakasagot ng wasto sa inyong tanong.

      December 24, 2012
  • Angel

    Both parents po may visa pero yung anak inde pa nakukuha ang birthcertificate pero they have the birthnotofication from the hospital..; ano dapat gawin?

    December 23, 2012
    • Ano po ba ang gustong gawin? Mag avail ng amnesty, kumuha ng visa para sa bata o ano?

      December 24, 2012
  • meron po bang office sa 25 ng dec

    December 24, 2012
  • tanong ko po may magbibisa po sa akin pero ang outpass ko ay hanggang bukas ano po gagawin ko ?

    December 25, 2012
    • Mangyari pong mag avail na kayo ng amnesty.

      December 27, 2012
  • what airline pedeng mag pa Book ng ticket pauwe ng pinas if mag avail ako ng amnesty yung cheapest ticket lang po
    salamat

    December 26, 2012
    • Kahit ano pong airline na gusto ninyo na ba-byahe mula Dubai pa Manila. Salamat po.

      December 27, 2012
  • magandang araw po ask q lng po kung mag avail ang isang run away ng amnesty at makauwe xa may idea po ba kau n maaari pa dn xa na magvisit visa pabalik d2? salamat po

    December 26, 2012
    • Ang Immigration lamang po ang makakasagot ng inyong tanong. Salamat po!

      December 27, 2012
  • gaano po katagal ang pagkuha ng passport sa bata na pinanganak sa dubai?

    December 28, 2012
  • Maria

    Ako po ay 5 tao na na walang visa, di po ako nabisahan ng huli kong pinagtatrabahuhan dahil po sa may nag issue daw po sa akin ng visit visa at need daw po ikansel po muna yun. Napag-alaman ko po na ayun po palang naging dahilan ng pagkareject ng employment visa ko ay dahil po sa utang o sa credit card.
    So dahil po sa problemang yun, natakot na po ako, di na po ako pumasok sa huli kong pinagtatrabahuhan sa jebel ali kasi nga po di rin naman po nila ako mabibisahan.

    Papaano po yun, gusto ko na sana pong umuwi, hawak ko po ang original passport ko dahil po sa ibinigay naman po sa akin ito ng administrator kasi nga po di po nila ako kaya bisahan, gusto ko na sana po makauwi ng Pinas, dahil namatay na din po asawa ko na di po ako nakauwi.
    Kung sakali po ba na ako ay sumuko during amnesty matagal po kaya ako nila ikukulong? kasi na check ko na po ang case ko eh, may nagfile daw po sa akin 2 bangko daw po iyon at ang sabi ang 6k na utang ay naging 65k aed na daw po. Anu po ang dapat kong gawin? Salamat po.

    December 29, 2012
    • Hindi po sakop ng amnesty ang mga utang sa bangko. Maaaring makulong po kayo sa mga utang na hindi ninyo binayaran. Kung gaano po katagal, ang korte po ang makapagsasabi.

      December 29, 2012
  • merly pascual

    tatanung ko lang po gusto ko po mg avail ng amnesty , may mga bank case po ako at may anak na 9 months , pwede ko po ba makasama ang anak ko sa kulungan wala po kase maiiwan sa knaya

    December 29, 2012
    • Makabubuting sa Immigration Office po ninyo alamin.

      December 29, 2012
  • panu po ang dapat gawin may anak po ako at may kaso sa bank , pede ko ba makasama ang anak ko sa kulungan pra upuan na lang po ang kaso ko … ??? need ur answer asap

    December 29, 2012
  • panu po ang aking gagawin ?? may anak po ako ng 9months old at may bank case po ako , gusto ko po mag avail ng amnesty , if makulong po ako maari ko po ba makasama ang anak ko sa kulungan at panu po ang way ng pag bili ko ng ticket ??

    December 29, 2012
  • good pm po..kung 10 days lng an ittagal ng outpass, balak ko po n mgpabook ng feb 1 at january 17 (thursday) ko balak pumunta ng al aweer pra s proseso ok lng po b un..hawak ko nmn po an pasport ko atwala nmn akong ibang kaso ..absconding lng..at thursday lng an schedule pra s babae kya pinili ko an jan 17..thank u po..

    December 29, 2012
    • Sa Amnesty Advisory 3, araw-araw na po pwede ang mga babae, hindi lamang Thursday.

      December 30, 2012
  • may

    sir ano po ang exact address ng immigration sa al aweer?thank you…

    January 2, 2013
  • magandang umaga po mam/sir,may katanungan lang po ako kasi hindi namn po tlga ako ng run awy sa dati kong amo due to personal matters ng file po cla ng abscnding which is maayos nmn po kaming ng usap ng amo ko,sa katunayan nga po nkpg comunicate po ako ulit din pmayag po silang e lift yng absconding ko sa katunayan ay ngbyad pa ako ng absconding removal…pro dhil sa pro nmin kasi ayw nya po ipbasa yng about sa absconding removal na yn ay ntakot po ako nong mga time na yon na bka e deport ako.so this time i want to avail the amnesty,di i have a chance to aply new visa gayng my bnayaran po akng absconding removal sa freezone office ng ajman…thank much po and may ALLAH bless us all….

    January 2, 2013
    • Kung makakapunta po kayo sa aming opisina upang higit na maging malinaw ang inyong sitwasyon. Salamat po.

      January 3, 2013
  • Samantha domingo

    Hi, ask ko lng po ano p ba dapat mauna travel document or immigration office pra sa pagkuha ng out pass? Thanks po

    January 3, 2013
    • Kung hawak po ninyo ang inyong passport at valid ito, magtungo sa Immigration para sa outpass. Kung hindi naman, maaaring magtungo muna sa Consulate General para ito ay maging valid. Kung walang passport dahil absconding, magtungo sa Immigration upang malaman kung naroon ang inyong passport.

      January 3, 2013
  • seph

    good day sir/madam, ask ko lang po pag nakakuha na ba ng outpass saan papalipas ng 10 days? as al aweer po ba o pede pa umuwi sa bhay? salamat po..

    January 6, 2013
  • elizer palmares alarba

    sir ung application binigay sa akin ng consolate ibininalik ko po sa kanila ok na po ba un or may aasikasuhin pa akong ibang papel?
    un na ba ung outpass?
    salamat po

    January 6, 2013
    • Ha? Yun ay dapat na ini-apply mo.

      January 7, 2013
  • gud afternoon po…ask ko lang po kung paano po makakuha ng travel documents for lost passpot?kelangan po ba na ready na ang ticket pagkuha nun?sabi po kc sakin ng isang employee dyan sa consulate kuha daw ako ng police report muna then bibigyan ako ng travel documents.eh natatakot naman po ako magpunta sa police dahil sa expired na nga po visa ko at wala pako passport.ang sabi ng immigration ay free lang ibibigay ng embassy ang travel document.sana po ay masagot nyo ang aking simpleng katanungan…thanks in advance and god bless us always!

    January 7, 2013
    • Free po ang Travel Document para sa amnesty seekers ngunit kailangan ninyong isumite ang mga requirements para rito.

      January 7, 2013
  • gud day po! ask q lng po ano po ba mas mainam na gawin kumuha ng travel document dahil po expired n pasport ko pero xerox copy lng po hawak ko o dumiretso na aq sa immigration mag avail ng amnesty sabay na kunin ang passport?

    January 10, 2013
    • Pumunta po sa Immigration. Marahil nandoon din ang passport ninyo. Pagkakuha ng outpass, magpunta po sa Consulate General. Salamat po.

      January 10, 2013
  • efren catoy

    Good day po,tanong ko lang po kc nagpunta po ako sa sharjah immigration dahil gusto ko makuha passport ko para po sa amnesty dahil isa po akong run away,pagdating ko po don my 3 steps po sila 1 po ay checking ibinigay po ang passport ko, 2 po ay finger print at photo po ang ginawa nila sken,tapos step 3 po ay departure permit then binigyan po nila ako ng papers na my picture ko tapos tinatakan po nila ng cancel ung paso na visa na naka stamp sa passport ko at binigay po sken ung isang kopya ng papel na may picture ko pati passport ko at sinabi po nila sken na makakaalis na raw po ako after 10 days,.ask ko lang po na wla na po ba akong kelangan maliban sa ticket? sapat na po ba ung papel na hawak ko para po makauwi,? Hindi ko kc mabasa kc arabic,.ibig sabihin po ba clear na ako at wla po akong anumang case?.,.inaasahan ko po ang sagot ninyo dahil medyo nalalabuan po ako at medyo naguguluhan lang po….marami pong salamat

    January 10, 2013
    • Opo. Siguraduhin po lamang na valid pa ang passport ninyo, at least six months pa bago ang expiration date. Kung hindi naman, magtungo sa ATN Section ng Consulate General. Salamat po.

      January 10, 2013
  • nakakuha na po ako ng outpass dated jan 24 to feb 9 unticket ko ay etihad abudhabi to manila pwede b ko s abudhbi mg out kahit s dubai process an outpass ko dubai vsa kc ako
    at mura an etihad fare ngaun one way..at un din an advice ko s lahat ng ngaask ng wc is most cheapest…kc nk promo cla wla bng magging problem s abudhabi immgration airport jan 30 po an flight ko

    January 15, 2013
  • kenneth

    good morning po. sa akin naman po nag close ang company namin, pero di po na cancel ang visa ko at expired na rin 2011 pa. di ko na rin nakuha passport ko dahil di ko na rin makontak ang office namin at close na rin po. gusto ko po mag avail ng amnesty, pero panu po eh wla sa kin ang passport ko?.please advise po. maraming salamat.

    January 17, 2013
    • Magtungo po sa AL Aweer para sa inyong out pass at pag check ng inyong passport kung naroon. kapag may out pass na, magtungo po sa Consulate General.

      January 18, 2013
  • Good Morning po, ask ko lang po dineclare kse aco na abscond ng amo co 2mos ago, dapat po ba pumunta muna aco sa consul naten or dumiretso na po aco sa al aweer? and ano po bang requirements ang kailangan? hawak co po ang passport co.. mejo nguluhan po aco sa advisory 3 ninyo, pag sunday po ba para sa babae o lalaki? salamat po..

    January 20, 2013
    • Pwede na po araw araw ang babae. Maaari na po kayong pumunta muna sa Al Aweer.

      January 20, 2013
  • hello.. good morning po..

    ask ko lang po kung nakuha na po yun outpass sa immigration d na po ba klangan pumunta sa consulate o sa embassy? valid yun passport till 2016.
    kasama po ba yung 10 days na bigay ng immigration sa bilang ng duration ng outpass? or magsisimula lang ang bilang ng duration ng outpass after 10 days para may time para makapag pa book ng plane ticket?

    sana po masagot nyo asap katanungan ko kasi wala pa po ako pambili ng ticket..

    thanks po at may God bless you sa mga effort nyo na makatulong sa pagsagot sa mga queries ng mga kabayan nating nangangailangan ng advise.

    January 23, 2013
    • Hindi na po kailangang pumunta. Kailangan po kayong makaalis bago ang expiration ng out pass. 10 days po after ma issue ang out pass ang waiting period before travel.

      January 23, 2013
  • thank u po sa sagot sa last na tanong ko..

    so kung hanggang february 7 ang outpass eh pwede nang mag exit ng feb. 7 basta d lalampas sa date d po ba? kc sa date lang na yun ako makaka avail ng pambayad sa ticket.
    saka pwede po ba kung sharjah visa eh sa abu dhabi lumabas?
    gusto ko lang pong ma – i – clear kasi baka d na ako pwede lumabas ng feb 7.
    thanks again.. and God bless!

    January 25, 2013
    • Opo, wag po lamang lalampas sa expiration ng out pass. Opo, maaari po kayong sa Abu Dhabi lumabas ayon sa nakalap na impormasyon.

      January 26, 2013
  • good afternoon po.. magttanong lang po, kasi po ung ksma ko sa bahay ung kua nya iniwan sknya yong anak na walang visa pero po may passport. pwede po ba mai apply ng amnesty ung bata? anu po ba ang mga kailangan na documents.. please help us. thank u in advance

    February 3, 2013
    • Ngayon po ang last day ng amnesty.

      February 3, 2013
  • morning poh.ano poh kailangan gawin ng isang run away kung gusto ng umuwe sa pilipinas,anu poh dapat gawin?thank u

    July 14, 2013
    • Pumunta po kayo sa ating POLO-OWWA.

      July 16, 2013

Leave a comment


Name*

Email(will not be published)*

Website

Your comment*

Submit Comment

© Copyright Consulate General of the Republic of the Philippines